You are viewing [info]meekowr's journal

POP! Newsletter Forever

> Recent Entries
> Archive
> Friends
> User Info
> previous 10 entries

February 28th, 2012


09:45 pm - POP! NEWSLETTER YEAR 5 COMMEMORATIVE ISSUE
POP! Newsletter ANG BAGONG MUKHA NG PAGBABALITA SA INTERNET!
ANG PAGBABALIK SA IKALIMANG TAON NG MGA BALITANG DELICIOUS!

ACOR NAIMBYERNA, PEDOS SUPALPAL NA NAMAN?

Naroon ang POP nang maganap ang isang en grandeng walk out nung Feb 4, 2012 sa Cantina, Katipunan. Nag-french exit ang dalaginding na si Acor nang magkairingan ang panig ni PEDOS at former ARA Wire News Service member (na ngayon ay reporter ng ABS-CBN) na si Ryan Chua. Ang pinagmulan ng gulo? Ang walang humpay na paguungkat ng mga nakaraan at pang-aasar ng mga pipol kay Acor at PEDOS! Nagsimula sa biruan ni Reddie at PEDOS ang lahat nang banggitin ni Reddie ang isang "Italian Resto" na matatagpuan sa may Teacher's Village, QC! Inarangkadahan naman ito ni PEDOS at pasaring na binanggit ang "nakaraan" nang may naalala siya sa lugar na iyon. Natimbrehan ito agad ni Acor at nasupalpal si PEDOS! Natahimik ang lahat, kinuha ni Acor ang wallet at sinabing "Tara na guys." Doon nagwakas ang gabi at agad nagdisperse ang mga magkakaibigan. Naroon din sa Cantina sina Smaerlully, Ayeehee Magtibay, Nurkel Muncal, Meller Loyoller, Karlilou, Tasha Feruzxa, Merker, at Hernie Bennie. 

SMAERLULLY at NURKEL, NAGUILTY? PEDOS AT REDDIE, UMAPELANG INOSENTE!

Matapos ang nakakatanggal-amats na pangyayari sa Cantina, agad na nagkaroon ng emergency meeting sa parking ng Cantina ang grupo nina PEDOS, Reddie, Murker, Hernie Bennie, Ayerka Magtibay, at Nurkel Muncal. Dito napagusapan ang buong pangyayaring tumabad sa lahat nang walang kamalay-malay. Matapos kausapin ng grupo si PEDOS, agad nagkape ang lahat ng miyembro sa McDo Katipunan. Doon napagdesisyunan ng grupo na humiling ng patawad kay Acor dahil sa mga pangyayari. Naguilty din daw si Smaerlully at Nurkel dahil feeling nila kasama sila sa mga nakiride sa asaran. Ganun din ang naging pakiramdam ni Hernie Bennie, Ayeehee, at Murker. Sa panig naman ni PEDOS at Reddie, wala naman silang masamang intensyon doon sa nabanggit sa usapan. Pero inako naman ni Reddie na maaring may pagkakamali siya. Pinanindigan naman ni PEDOS na siya ay walang masamang intensyon kundi ang pagsasariwa lamang sa isang matamis na kahapon.

AYEEHEE, NATALBUGAN SA DRAMAHAN? 
RATINGS NI ACOR BUMULUSOK!


Sa isang press conference sa Cantina, naroon ang POP nang inilabas ni Ayeehee ang sama ng loob niya sa buhay. Naikuwento ni Ayeehee ang hirap, saya, at lumbay sa likod ng camera. Ang buhay bilang isang journo. Ayon sa lalang balitera, nakakaranas din siya ng kahirapan at challenge sa trabaho. Doon niya isiniwalat na hindi rin ganun kadali ang mabuhay sa mundo ng media. Pero kahit todo ang paghalumpasay ni Ayeehee sa press conference, binigla ito ng walk-out ni Acor! Ang dating spotlight na na kay Ayeehee ay agad naagaw ni Acor. Kaya't nagwakas ang gabi na tila bumaba nang husto ang ratings ni Ayeehee sa press conference na iyon.

FRF-SPFs, MULING NAGSAYA SA AUSPICIOUS NIGHT!

Matapos ang matagal na panahon, muling nagsama-sama ang magkakaibigang FRFs at SPFs. Sa ikalawang taon ng Auspicious Night, ginanap ito sa sikat na Comida China de Manila, isang mala-retro na kainan sa may C5 Pasig. Inirekomenda ito ni Meller Loyoller dahil daw sa presensya nito sa kabuuan ng kasaysayan ng pagkain sa Pilipinas. Namataan ng POP ang mga true FRFs tulad ni Meller, AA, Acor, Kirk, Karlilou, Smaer, AC, Murker, Tasya, Nurkel, Hernie, Murfex atbp.. Naroon din ang mga naghihikahos na SPFs tulad ni PEDOS, Reddie, (need not metion ang iba...) Nag-enjoy naman ang grupo sa kanilang kinain na Chinese cuisine at ang key color nung gabing iyon? RED.  

CHIZ-MWAH!: SMAERLULLY, INIWAN ANG MUNDO NG PAGPAPASEXY PARA MAGING... ABUGADO?

Matapos ang limang taon ni Smaerlully sa larangan ng showbiz, napagpasyahan na niya na mag-iba ng landas sa buhay at maging isang abugado. Maaalala natin si Smaerlully na nagsimula dati bilang ang kapares ni Acor sa bandang Tween Starz at The Microstarlets. Mula doon, nakagawa siya ng ilang pelikula tulad ng Ang Babaeng Bulkan, Mayordoma sa Mayon, Akin ang Bicol, Sa'yo ang Palawan, Binayo, Patikim ng Pili at ang internationally-acclaimed indie movie niya na nanalo ng iba't-ibang awards sa Czechoslovakia, Iran, at Bulgaria: ang "Bikolana: The Myth, The Legend." Ayon kay Smaerlully, hindi naman siya nagsisisi sa kanyang pagbago ng landas. Sexy pa rin naman siya kahit siya ay nag-aaral ng abugasya. 


CHIZ-MWAH!: MURFEX, KUMAIN NG LUPA! IIWANAN NA ANG PAGTUTURO!

Iiwanan na daw ni Murfex ang pagtuturo, matapos ang tatlong taon. Inamin ni Murfex na napagod na siya sa ganoong trabaho at nakaranas na rin siya ng maraming unos sa naging propesyon niya bilang isang preschool teacher. Nunng una ay inamin ni murfex na masaya siya dahil sa mga bata. Pero kalaunan, unti-unti itong lumala. Umabot sa punto na aksidenteng napakain ng buhangin si Murfex nang bantayan ng isang bata. Sa ngayon, iniisip na ni Murfex ang magtayo ng negosyo tulad ng pork floss.

CHIZ-MWAH!: PEDOS UMARIBA NA SA GMA, NAGPAAMPON SA RAPPLER!

Nagpaalam na si PEDOS sa GMA matapos ang ilang buwan sa NME at gmanews.tv. Inamin niya na may magadang oportunidad sa Rappler lalo na at bagong kumpanya pa lang ito. Naibahagi rin ni PEDOS ang hirap sa pagiging isang contributor sa balita. Pero kahit naghihirap ay nagsusumikap pa rin si PEDOS dahil sa pagmamahal niya na rin sa kaniyang propesyon.

CHIZ-MWAH!: ACOR, NAGPATAWAD NA! TEXT MESSAGE, NAGPAGAAN SA LOOB NG LAHAT!

Matapos magpadala ng sorry messages ang mga kaibigan ni Acor, agad niyang ipinatawad ang lahat at nagpasalamat pa dahil muling nagsama-sama ang mga magakakaibigan. Ikinatuwa naman ito nina Nurkel, Smaerlully, Hernie, Murker, Ayeehee, Reddie at PEDOS. Sa huli, nagka-ayos naman ang mga panig at inaantabayanan muli ang pagsasama-sama ng lahat.

NAG POP-PATROL!: SAAN NGA BA ANG MASARAP NA ITALIAN RESTO NA NABANGGIT SA BALITA?
Magcomment lamang dito sa POP Newsletter at ilagay ang pangalan <space> comment <space> kasarian at ipost as comment sa blog na ito. Maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa POP!

(Leave a comment)

April 19th, 2007


12:07 am - Join us!


(6 comments | Leave a comment)

November 12th, 2006


11:27 pm - POP! Newsletter Vol.3 Issue 8
POP! Newsletter ANG BAGONG MUKHA NG PAGBABALITA SA INTERNET!

DALAGANG NAGLASING, SINISI ANG TOMADORA!

Isang dalagang nagngangalang Akor ang naglasing sa "TenB" nitong nakaraang Biyernes kasama si Avrilla Holiday at Mhurkayr the Relentless! Nagsimula ang  engrandeng lasingan sa isang yayaan na matulog sa TenB. Pumayag ang tenant ng TenB na patuligin at magsaya ang tatlo sa kaniyang establisyamento. Bumili sila ng isang small batel ng GSM Bluu, isang maliit na GrandMa, isang black horz, at nagpahabol pa ng isang Guerrero! Sa kasawiang palad, tumba po ang lahat ng bote, ultimo ang isang 1.5 litro ng coke (na nagsilbing chaser sa shots ng GrandMa). Sandamakmak rin ang biniling sitsirya at may kasama pang 4 na regular flavored Lacky Meh Pansit Canton!

At nang maglasingan na ang tropa, unang na-tipsy si akor. Dumadaldal siya kay Mhurkay at maya-maya, sinisisi niya ito na hindi nakikinig! Ayon sa biktima na si Mhurkay, ang sabi raw ni Akor sa kaniya ay "Ikaw kashi ehhh, hendeh kah nakikinig! (tawa-iyak)" Pati rin si Avrilla, napagbintangan rin na hindi nakikinig! Matino pa raw ang dalagita sa estadong ito at nababasa pa raw ang mga text ni PEDOS! In fact, tinawagan pa nito si PEDOS sa kaniyang cellphone at ang pinagikutan ng usapan ay parang ganito:

AKOR: "Sandali, makinig kah kasheh!"
PEDOS: "Lasing ka na talaga Acor."
AKOR: "Si Mikay hindi kasheh nakikinig e."
PEDOS: " Hay, matulog ka na."
AKOR: "Ihkaw hang may problema."

Matapos ang pag-uusap tungkol sa hindi pakikinig ni Mhurkay, ay nakatulog na rin si Akor. Matapos ng insidente, naiingit ang dalawa dahil sa natamong kalasingan ni Akor kaya't napilitang bumili si Avrilla ng Guerrero para matamaan!

Para sa higit na detalye, pumunta lang sa tanggapan ng POP! Newsletter at hanapin ang mga nabanggit sa artikulo.

MHURKAY, INOSENTE SA PARATANG NI AKOR!

"Walang sinabi si Akor kaya't wala akong maririnig."
Y
an ang sabi ni Mhurkay nang siya ay nakapanayam ng POP!  Wala raw nabanggit si Akor sa kaniya nung malasing ang dalaga. Ayon kay mhurkay, ang tanging sinabi lang ni Akor ay ang natutunan niya ang Samba sa kaniyang SA class. Kahit sinasabi si Acor na may sasabihin siya tungkol kay meeks, ay hindi na niya ito matandaan dahil nasabi niya ito kay mhurkay at si mhurkay na lang daw ang magsabi kay meeks. Ngunit wala ngang nabanggit si Akor kay Mhurkay kaya't papaano kaya malalaman ni Meeks? Nang itanong uli ni Meeks kung ano ang sasabihin ni Akor, ay naiba na naman at sinabing hindi raw tungkol kay Meeks ang sasabihin niya kundi tungkol raw sa ibang tao at narinig daw ito Mhurkay! Umabot pa kay PEDOS ang isyu at tila iniyak-tawa pa ng dilag ang naturang kaganapan sa kaniyang cellphone na ayon kaniya ay may halaga pang "300+" kaya't tatawagan daw niya si PEDOS!

DOBOL TROBOL KASAMA ANG PAMM


Dalawang beses umaligid ang tropang PAMM nitong nakaraang Martes at Sabado sa Robinson's Galleria at Eastwood/Club 650. Noong Lunes, naisipan ni Meekowr na mamili ng t-shirt sa Gale matapos sabihin ni Ada na mura ang mga graphic tees sa Robinson's Dept. store. Binanggit ni meeks ang ideya kay mhurkayr at kumagat naman siya. Nagustuhan rin ni Akor ang ideya at sinabing sasama rin daw siya. Kaya't nung Martes, magkakasama sina PEDOS, Akor, Meeks, at Mhurkay papuntang Gale. Maghapon silang naglibot sa naturang lugar at sinamahang mamili si Meeks ng mga t-shirt matapos kumain sa Chef D'angelo's. Naglaro din sila ng basketbol at sumakay sa Crazy Bus sa Tom's World. Ayon kay Akor, ang ipinagpalit sa mga tiket na nakuha ay:

based on YM message

akor: three MINISCULE ERASERS
akor: MICROSCOPIC TALAGA
akor: my pink bubble bottle!!!
akor: na inarbor ni ate!
akor: and mikay's chorva whatever


Hindi pa dito nagtatapos ang lahat dahil nung Sabado ay pumunta din sila ng Eastwood para kumain sa ice Monster. Naisip ni Akor na kumain sila sa Eastwood dahil ayaw niya pang umuuwi. Doon ay nilakad nila ang Eastwood hanggang Club 650 dahil hindi pa nagbubukas ang Ice monster sa Cybermall. At sa kanilang pagbalik ay may nakasalubong pa silang baliw sa bangketa! Nagpark ang tropa sa 3F 22 na pinamemorize pa ni PEDOS sa mga kasama.
 
DALAWANG ISTOKWA, RUMATSADA! PEDOS, KINAIN ANG SINABI!

Nung una ay hindi naniwala si PEDOS na makikitulog ang MM kina Akor.
Akala ni PEDOS na nagloloko lang ang MM nang mabanggit sa kaniya nung una na makikitulog sila sa bahay niya. Sa Gale pa lang ay seryosong nagdedesisyon na ang MM na matulog sa bahay ni PEDOS. Ngunit nung nasa Sandiganbayan na, mangiyakngiyak na ang bata at napilitang bumaba ang MM kahit na sinabing maghuhunger strike ang MM at hindi bababa sa kaniyang sasakayan. Kaya't napagpasiya ng 2 na matulog na lamang kina Akor na agad naman niyang sinangayunan bagama't siya'y nalilito kung totoo nga ang gagawin ng MM o hindi. Madaling nagempake ang MM at agad na dumeretso sa bahay nila Akor at nakarating sila in 25 minutes tops. Ayon nga sa MM "Kung biro, biro. Pero kung seryoso, seryoso kami. Kakainin ni Pedos ang kaniyang sinabi!"

SHABU SHABU, IKINATUWA! BARKADA NAGSAYA SA GREENHILLS!

Abot langit ang tuwa ni Melo nang natupad ang balak na kumain ang barkada sa mini Shabu Shabu sa Greenhills nitong nakaraang Lunes! Naroon ang ARAH, PAMM, Ada, Wiggy, Melo, AA, at Thea. Kasunod nito ang pagpunta ng ARAH, AMM, at Ada sa arcade. Naglaro sila ng shoot da hoop at dahil dito sumakit ang legs ni Akor. Samantala, naggrocery naman ang MM sa Unimart.

ILANG ESTUDYANTE, MINALAS SA REG!

Hindi sinuwerte ang iilang estudyante sa kanilang registration noong Biyernes.
Ilan na sa mga tinamaan ng malas ay sina Avrilla Holiday, Mhurkayr the Relentless, Meeks, Paul, at Tasha. Nagtagal ang maraming mag-aaral sa buffer room upang makuha ang kanilang klase. May mga ilan naman na nauwi sa mga kinatatakutang klase nina Fr. Arcilla S.J. at Fr. Dacanay S.J.


PERYODISTA, UMAMING HINDI IIWANAN ANG DILAG!

"Hindi kita iiwan." Ito ang mga katagang sinabi ng isang sikat na peryodista sa isang sikat na publikasyon sa unibersidad. Reaksyon ito sa sinabi ng babae na huwag daw siyang iwan (pertaining sa grupo). Ang tambalang ito ay matagal nang nababalita at alam na ng maraming tao. Ngunit tila hindi matitinag ang peryodista!

DORM, BUMAHA NG LUHA!

"Don't give her false hopes." Ito ang sabi ng isang lalaki na kasintulad ng refigerator sa isang babaeng may gusto sa kaniya! Ang inaasahang pag-iibbigang ito ay naganap sa iisang bubong lamang. nabalitang gumastos pa ang babae ng mahigit na 400 Php matapos makipagusap ng mahigit isang oras sa kaniyang cellphone na nakaline. Ayaw na daw ng lalaki ng pang-aasar at tila may ibang mahal na babae.

ILANG MAG-AARAL, NATAMBYOLO!

May mga ilang mag-aaral na nagrereklamo dahil sa nakuhang marka sa isang subject. Ayon sa mga balita, may ilang mag-aaral na nakakuha ng mababang marka kahit mataas ang resulta ng kanilang eksamen! Habang ang ilan naman ay nakakuha ng mataas na marka maski hindi masyadong malaki ang pagkakaiba nila sa mga nakakuha ng mababang marka.

(5 comments | Leave a comment)

September 15th, 2006


08:28 pm - POP! Newsletter Vol.3 Issue 7
POP! Newsletter ANG BAGONG MUKHA NG PAGBABALITA SA INTERNET!
IKALAWANG ANIBERSARYO NA NG POP! NEWSLETTER SA NOBYEMBRE 4. ABANGAN!

BRENDA BONITA, HINDI NA BIRHEN ANG LABI!

May natiktikan ang POP na mayroong isang dalagitang hindi na birhen ang mga labi matapos
makanakaw ng unang halik sa isang young boy! Ayon sa dalagitang nangumpisal, nangyari ang
insidente nang nakipaglasingan ang dalagita sa mga prens niya! At sa isang di-inaasahang
"spin the bowtel", nacheklaan ang dalagita at sabay kuta ng prens na halikan ni guy si girl!
Aba, pers taym daw ito ng brenda bonita at natuwa sa naturang insidente.



BAGONG ALYANSA ITINATAG NI PEDOS! AKOR HINDI KUKUBRA?

Mukhang naglalagablab na naman ang isyu kay Pedos dahil sa kontrobersyal na pagtatatag sa
isang bagong alyansa! Ayon kay Akor, hinirit ng PEDOS na magkakaroon daw ng Acor's Angels na
kinabibilangan nina Joyas, Allern, at shempre si PEDOS! Hindi naman kumubra si akor sa
alyansang ito at sinabihan pang "demonyo" ang mga ito at hindi mga anghel!


KARLILOU BUMENTA NA NAMAN!


Kung naaalala niyo ang nakaraang balita kay Karlilou, meron na namang bagong hirit ang lala!
Nagpress ang lala kasama ang lolong si Meekowr at ang mga Guidon Editors na si B at L sa pub
room nitong Miyerkules. At doon napausapan ang tungkol kay Batista at kay Jeff Hardy. Sa
kasamaang palad nauwi ang usapan sa bilyaran at guess what niyo na lang ang hirit ni
Karlilou! Well, hindi naman sinasadya ang hirit na maging "tagilid". Pero sky-high naman ang
stock market value ni Karlilou! Blessed be Karlilou!



ANG BAGONG DOMINATRIX NG BAYAN, ANG DIGITALLY REMASTERED NA SI MURKHKAYR!

Hindi na po Mikaylashalala ang pangalan niya kundi MURHKHAYR. Matapos manggaling sa matinding pageensayo
sa Tibetan mountains ng Buddhist monastery ni Father Nebbie, naging isa nang hack and slash dominatrix na si
MURKHKAYR! Mayeyesyes-yo ka-yo ni MURKHKAYR sa kaniyang dominating powerrs! Rarrrr! Mukhang maghehead-to-
head na sila ni PEDOS sa susunod na eleksiyon!


CHIKA MINUTE!: AUSTIN AT MYKA BIBIDA SA NEON: CERSA OPEN NIGHT!

Hindi magpapaawat ang dalawang ito sa pagsky-rocket ng kanilang career! Magiging host ang
dalawang ito sa Neon: Cersa open night! Aba, good luck sa kareer ng dalawang ito!


CHIKA MINUTE!: PEXMEN, AABANGAN NG MASA!

Malapit nang ipalaba ang PEXMEN, starring KAXKAX, AXXOR, XMAERX, at team leader REXXIE!
Abangan ang matinding bakbakan ni Xallern the Neon Flexxer at Xesmaquelx the Brain Boxxer!
Kapananabikan niyo ang matinding aksyon ni Kaxkax the Gender divider, at Xmarf the Gender
Bender! Kakagatin ninyo ang inyong mga kuko sa excitement kapag nagdamoves si Xostin, the
Rainbow Knight at si Rexxie the Rainbow Singer! Ayon kay Aling Topyang, aabangan daw ng kaniyang pamilya ang bagong palabas!

(12 comments | Leave a comment)

August 16th, 2006


10:41 pm - POP! Newsletter Vol. 3 Issue 6
POP! Newsletter ANG BAGONG MUKHA NG PAGBABALITA SA INTERNET!
IKALAWANG ANIBERSARYO NA NG POP! NEWSLETTER SA NOBYEMBRE 4. ABANGAN!



1. Smaerlully                        photo courtesy of mermae  2. Reddie winner                           3. The Gigstarz

     
MAER MAY BAGONG LOOK!
Mahahalata ang pagbabago sa look ni Smaerlully ngayon! Itong Biyernes lamang nang naramdaman ni Maer ang pangangalay ng kaniyang mga mata. Ikinalarama ito ng kaniyang ina kung kaya't napilitan siyang lumuwas pabalik sa Bikol upang magpatingin sa isang espesyaliszta sa mata. Ayon sa doktor, hereditary daw ang dahilan ng paglabo ng kaniyang mga mata. Sa kasamaang palad, hindi na maikokorek ang vision ni Mermae ngunit hindi naman ikinasama ng batang aktres ang pangyayari . Sa halip,  nagboost pa nga ito ng kaniyang confidence dahil may bago na siyang look na ipagmamalaki. Itinatayang nasa Php 2500 ang kaniyang salamin at dinisenyuhan pa ito ng rhinestones.
 
REDDIE PANALO! PEDOS TABLADO!

Bagsak ngayon ang rating ni PEDOS matapos manalo ng Palanca si Reddie!
Nakamit ni Reddie ang ikalawang ghantimpala mula sa mga huwes ng Junior Division ng Palanca Awards. Naiyak at natuwa at nawindang si Reddie nang mabalitaan niya ito sa kaniyang napaluhang nanay mula sa telepono. May kasama itong plaque at kalakip na cash prize. Sa kabilang dako naman, tinong ng POP! si PEDOS kung may balak siyang sumali sa Palanca. Naibanggit ni PEDOS na hindi pa sa ngayon dahil una, hindi na siya pasok sa age bracket ng Junior Division ng Palanca at ikalawa, masyadong pa siyang bata para lumaban sa PALANCA dahil sa mga big time contenders tulad ni Benilda Santos.

DALANGHITA, NIRAMBOL!

Naipit sa isang insidente si Adalicious habang nagbabakasyon sa Batangas.
Ayon sa kuwento ni Ada, kasama niya ang kaniyang nanay at pinsan nitong nakaraang linggo papunta sa isang beach sa Batangas. Ang lahat ay dapat ismut ngunit nagkaroon ng isang maliit na insidente habang sila ay nakikiparty sa beach. May ilang hindi mabuting tao ang nagpasama sa araw ni Ada ngunit hindi naman nagpatinag ang babae. Nagpahenna pa nga ito at bumili ng mga abubot sa beach. Wala namang nasawi sa insidente ngunit marami daw na "Cory" sa lugar.

Unang Anibersaryo ng Sagala ni Mebuyan: Balikan sa POP! Archives
September 2 2005 Vol.2 Issue 5
"Anak, ina, babae...BABAE!" - Ada de Pedro as Mebuyan

Mykashoobidoo and friends, nanalo sa cheer rally!

Isa na namang pagbubunyi dahil nanalo ang grupo nina Myka, Gella, Ailee, at Kat.  Nanalo sila sa kanilang dorm cheer rally competition. Ayon kay Myka at Gella, nagpuyat sila sa pageensayo para sa nasabing event. Sa kabutihang palad, nanalo sila at ang mga paghihirap ay nauwi sa katuwaan.

AOB tarps, naisiwalat na!

Isang pagbubunyi muli nang naipaskil na din sa wakas ang disenyo ni Meekowr. Ang AOB or Ateneo Online Bulletin tarps ay isang proyekto ng Sanggu, Coa at Acomm upang ipaalam ang nasabing online newsletter sa mga mag-aaral. Si Meekowr ang nagdisenyo, nagkuha ng mga litrato, at naglapat ng nasabing tarps. Inabot din ng halos isang buwan bago maipaskil ang mga ito. Makikita ang mga AOB tarps na nakasabit sa mga piling poste sa campus.

hubpacheco.blogspot.com
"ASTIG!" - meekowr

Chika Minute: The Gigstarz, namataan sa Mag:net!

Namataan ng POP! ang pinakabagong banda na sasabak sa Pinoy music. Ito ang the Gigstarz at nasa Mag:net sila kanina. Nagpektyuran ang mga band members at kumain ng lunch. Sa pictorial, makikita na may hawak si Ahkor na yosi ngunit ang totoo niyan ay props lamang ito at hindi totoong nagyoyosi si Ahkor. Hindi pa alam kung kailang lalabas ang kanilang album (meron nga ba?) ngunit siguradong mayroon silang bagong pakulo na ating aabangan.

Chika Minute: Sino si ultraelectromagneticfreak? / Pasapasahan naibulgar!

1. Sino si ultraelectromagnetic freak? Ang taong ito ay tila umiispiya sa isang iha. Ang ihang ito ay maihahalintulad sa isang uri ng puno dahil sa kaniyang bagong pakulo. Malalaman din na siya ay may history na sa mga kakaiba.

2. Pasapasahan naibulgar! Isang trusted source ng POP! (at ipinagmamalaki ng POP!) ang nagsabi na may nagpapasapasahan ng notes sa isang klase! Ipinaalam ng source na mga binatilyo ang nagpapasahan ng notes tungkol sa isang girl! Ang mga binatilyong ito ay may history na sa isa't-isa habang ang girl ay hindi nauubusan ng kuwento. Hindi daw masarap ang cotton candy...


For plug-ins, news wiring, and contributions:
YM! ID: mikkoramos
or
meekowr@hotmail.com

(8 comments | Leave a comment)

August 2nd, 2006


10:01 pm - POP! Newsletter Vol. 3 Issue 5
POP! Newsletter ANG BAGONG MUKHA NG PAGBABALITA SA INTERNET!

PEDOS NAGBAWAS SA PUB ROOM, KARLILOU NAWINDANG!

Reyding-reydi na magbawas si PEDOS sa pubroom kahapon! Magbawas nga lang ng text sa lay-out, ang ibig sabihin! Ayon kasi kay Karlilou, "Patty, saan ka ba magbabawas?" (habang itinuturo ang text sa lay-out). Ang pagkadinig tuloy ay ang literal na pagbabawas ng **** ni PEDOS! Hindi pa dito nagtatapos ang lahat! Sa isa pang hirit ni Karlilou kay meekowr, " Mahaba na ba ang 18 inches?" (muli habang itinuturo ang graphic sa lay-out). Nagkaroon tuloy ng ibang konotasyon ang mga katagang binitawan ni Karlilou kay Mellow Touch at meekowr. Ngunit ang mga katagang binitawan ni Karkar ay totoong malinis at maayos. Medyo malabo nga lang ang mga ulirat ng mga nasa pub room nung araw na iyon...


RSF VIRUS LUMALAGANAP NGA BA?
Tila ilang katao na ang naapektuhan ng isang sakit na mas malala pa sa almoranas. Ito ang RSF virus na nagpapahina at nagpapabaliw sa mga kyomputter at leffytaffy. Ayon sa ilang mga nabiktima tulad ni Reydi at Karlilou, binababoy ng virus ang setr-up ng computer hanggang sa ito'y magcrash. Sa isang insidente kahapon, naudlot ang pagtatrabaho ni karlilou sa lay-out dahil sa palipat-lipat ng taskbar sa screen. Nag around the world ang taskbar- north, east, west at south ng screen. Sarili ding naglalayout ang computer at  tila ayaw patapusin si karlilou sa kaniyang trabaho!  Ang kaganapan kahapon ay hindi pa siguradong  may  kinalaman sa RSF virus ngunit malamang sa malamang, doon ito naggaling. May alias ang virus na "Baca Bro!"

MGA MAGKATOTONG BFF, NAGPAKYUT!

Nagpakyut na ang mga magkatotong BFF sa GMA studio tour! 
Ang klase ni Tita BAR ay sumabak sa 11th Jamboree St. para matuto ng mga palakaran sa istasyon. Ang naging beydle at assemblywoaman ay si Smaerlully at ang rheporter naman ay si Akor. Naging matagumpay naman ang kanilang studio tour at naging speaker nila si Mister Mike Enriquez!

Mikaylashalala, balik aksyon na muli!

Matapos mag-edit para sa Short Film ng grupo ni Mikaylashalala noong Biyernes,  sumabak na muli siya sa Philo at Eco classes! Maraming nagtaka sa kawalan niya noong Biyernes ngunit ngayon ay okay sa alright na muli siya!

Wiggy, alive pa din!

Namataan na muli si Wiggy matapos ang matagal na hindi pagkikita. Nakita siyang kasama si Marfoix at Karlilou sa 530 bench! Shempre, busy ang ating prod friend sa mga projects lalo na sa LFC at kay Quark! Good luck na lang sa ating friend at i-wish na makasama uli natin siya sa isang movie watching sesyon! (plug-in: nood tayo ng Sukob!!!!)

Chika Minute: Portraits ni Smaer Lully at Marfoix, out na!

Out and shout na ang mga bagong pop portraits ni Marfoix at Smaerlully. Pinaskil na ito ng MR Des sa deviant art. Bisitahin ito sa meekowr.deviantart.com! Sa mga may gustong makabilang para sa montage project ng MR Des o para magpakuha ng pop portrait, pls. post.

Chika Minute: Bagong friends kilalanin!

Mayroong bagong friends na dapat kilalanin! Dalawa silang dapat makilala ngunit dapat alamin ito sa pamamagitan ng cluzs...

Friend # 1: aka niya ay GLAVINDA SLKUTSKYAVALHA, friend niya si "Ako for lala." ka dorm niya ang taong ito, ang name niya ay nasa kalendaryo!

Friend # 2: aka niya si CLOVER CHIPS, friendly siya at mabula parang clouds.

Ang unang makahula ng mga ito ay may POP! Prize! Sali na! Valid lang ang unang magpost dito sa isyu na ito. :D

(24 comments | Leave a comment)

July 30th, 2006


01:14 am - POP! Newsletter Vol. 3 Issue 4
POP! Newsletter ANG BAGONG MUKHA NG PAGBABALITA SA INTERNET!

BOY KULASH MUNTIK NANG MABULGAR!

Muntikan nang malaman ng BK na ang BK ay BK talaga! Buti na lang at naligtas itong si Matte dahil hindi agad nalaman na si BK ay BK nga! Magkalapit lamang itong si Matte at BK nang dumulas ang dila ng Mellow Touch host. Kuro-kuro pa rin kung alam ni BK ang totoo ngunit ang mas masaklap dito ay kung malaman na ang BK ay hindi si BK kundi isang bakulaw...

AUSTEIN NG ARA WIRE NEWS,  OK SA ALRAYT!

Panalo ang naging 18th bertdey selebrasyon ni Austein noong Biyernes sa Shakey's. Ilan sa mga nakapunta ay sina Acor, Smaer Lully, Marfoix,  Leszlehy  (honorable  blockmate),  Allern, at Reddygetsetgo. Sa isang maliit na salu-salo ay nabigyan ng munting kaligayahan si Austein. Naregaluhan din siya ng isang card na naglalaman ng mga mensahe ng kaniyang mga kaibigan. Sa kalungkutan ng mga palad sa palayan, hindi nakadalo si Karlilou, PEDOS at Meekowr. Sa linggo ididiwang ang totoong kaarawan ni Austein.

BLOCK JACKET, BALAK NANG SIMULAN!

Pinagpaplanuhan na kung paano bubuuhin ang Block A 2008 jacket. Sinimulan ito ni Austein at naghahanap na ng mga taong makakapagbigay ng talento sa pagbuo ng jacket. Magbibigay ng disenyo si Meekowr at Karlilou habang ang bubuo sa jacket ay sina Shar-shar. Magbibigay din ng payong pang-estilo si Kit at Melo. Inaashaan na mabuo na ito bago pa man magtapos ang 20066.

Marfoix, isa nang pulis Maynila?

Tila sasabak na sa puwersang pampulis Maynila itong si Marfoix.  Nag-aaral na siyang humawak ng riple at mamaril nang maayos. Ngunit kahit namamaril na siya, hindi siya sasabak sa kapulisan dahil wala siyang... tiyan. Ang seksing dalagitang ito ay sumali lamang sa ARPT kasama ni Austein. Ang pamamaril ay ilan lamang sa mga bagong pinagkakaabalahan ni Marfoix. Isa na dito ang figure skating. Marahil isang araw ay ipagsasama niya ang dalawang skill na ito at mamamaril siya ng mga ibon habang nagseskating.

Kehren, bumalik na ang powers!

Matapos ang masalimuot na paghaharap sa SA, tila bumabawi na muli si Kehren sa larangan ng akademiya. Laking pasasalamat at hindi na siya naliligaw sa klase ng ECO 102 dahil panalong-panalo ang kaniyang performance. Sa unang long test ni Simon-King, isa siya sa mga nakakuha ng A!

Chika Minute: Marfoix, sasabak rin sa mundo ng art?

Hindi lang si Smaer Lully ang rarampa sa mundo ng ars grafix. Nakuhanan na ng portrait shots si Marfoix na kung saan ibibilang ito sa unang Serigraph portrait collection ng MR design direct na ipopost sa Deviant Art. Bilang isang clue sa kalalabasan ng kaniyang portrait, kahawig niya dito si Princess Ashraf Pahlevi ng Iran.

Chika Minute: Myka, sikat na!

Talaga nga namang in-bloom ang career ngayon ni Myka nang ma-feature siya sa front page photo ng Guidon July 06 issue. Unti-unti nang inaakyat ni Myka ang ladder to fame at maaalala na nagsimula ito sa kaniyang pagiging host sa isang pilot Episode ng "Studio." Hindi pa sigurado kung  saan patutungo ang karir niya  ngunit ang sigurado ay ang pagsikat... ng araw.

(15 comments | Leave a comment)

July 27th, 2006


05:02 pm - POP! Newsletter Vol. 3 Issue 3
POP! Newsletter ANG BAGONG MUKHA NG PAGBABALITA SA INTERNET!

ACOR BINAGYO!

BINAGYO ANG DALAGINDING  NA  SI ACOR nitong nakaraang Miyerkules matapos ang hagupit ng sunod-sunod na problema! Hindi lang siya nasalanta ng mga problemang pang-akademiya kundi pati ang mga problemang pangloob. Pinakamatinding nasalanta ang silid ng publikasyon nang nagkaharapan ang southwestern monsoon at ang north eastern monsoon. Ang salpukang ito ay nagdulot ng labis na pagkawindang na nakaapekto sa maraming tao. Ayon sa PAGIBIG, wala na daw ang PAGASA dahil sa ilang kalabisan nito at hindi pagkakaintindihan.Kahit nakaalis na ang bagyo ay mananatili ang paghatak sa hanging habagat na magduldulot ng madilim na kalangitan at pag-ulan. Nais ng PAGIBIG na matapos na ang mga bagyo ngunit ayon sa PAGASA, hindi pa ito ang huli at inaasahang may mga bagyo pang parating.

TROPANG TEKLA NA NAGPUNTA SA ABS-CBN, WAGI!

ANG TROPA SA KLASE NI MS. BOOTS ANSON-ROA ay dumalaw sa ABS-CBN para sa kanilang Educational Studio Tour. Excited na excited ang mga Brenda at todo pektyuran sila sa mga EMPTY STUDIO! Nagmistulang Ghost Town ang ELJ dahil halos walang stars ang nagpakita! Ilan lamang sa mga nasaksihan na artista ay sina Zanjoe Marudo, Julius Babao, Twink Makaraig, at Pinky Webb. Ngunit kahit kapos ang kumot, natutong mamaluktot ang Tropa at nagpekturan sila sa mga studio at hallway ng ELJ. ( Ang tropa ay binubuo nina Austin, Allan, Reddie, Mikay, Mae, Mikko, at Acor. )

PEDOS at ARA, no comment pa rin!?!?

MUKHANG WALA PA RING MALINAW NA PANIG ang dalawang asosasyon kahit matagal nang nabuo ang isyu tungkol sa Apple at Atis. Bukas ang POP! Newsletter sa kanilang mga panig upang makapagbigay linaw sa isyu ng dalawang prutas.

Gigstarz Alvs, wala nang karir?

NASAAN KA NA? Tila wala na sa eksena ang dating sikat na si Gigstarz Alvs. Wala nang makahagilap sa kaniyang kinalulugaran ngayon. Ngunit umaasa pa rin ang POP! na maibalik ang ningning sa Bituing Walang Ningning...

Chika Minute: Smaer Lully, isasabak ang karir sa arts?

WALA NANG DUDA NA SASABAK NA SI SMAER LULLY SA MUNDO NG GRAPHIC ART. Kanina lamang pumilma si Smaer ng kontrata sa MR Design Direct. Ang kaniyang portraits ay Warholian inspired serigraphs na ilalabas sa Deviant Art ni Meekowr sa darating na Linggo. Kasama dito ang Serigraph ni Imelda Marcos, Ester Ramos, at iba pa.

Chika Minute: Acor, magseseksi star?

MARAMING NAGAKALA NA MAGBABAGO NA NG KARIR SI ACOR FROM NEWS EDITOR TO BOLD STAR! Nagsimula ito nang mabanggit niya sa Trpoa na gusto niya ng trabahong hindi na magdadamit. Napagakala tuloy na magbobold na siya. Yun pala, ayaw niya ng trabahong nagdadamit kaswal! Mariing pinabulaanan ito ni Acor at mananatili sa pagiging news editor.

(17 comments | Leave a comment)

January 9th, 2006


07:36 pm - POP! Newsletter Vol. 3 Issue 2
POP! Newsletter ANG BAGONG MUKHA NG PAGBABALITA SA INTERNET!

PEDOS DISMAYADO SA ARA WIRE NEWS SERVICE!

Dismayado si PEDOS sa ARA Wire News Service nang may bitawang salita si Acor tungkol sa pagtitiwala masyado ni PEDOS sa ARA. Sa isang press conference kanina sa Gonzaga Cafeteria, hinarap ni PEDOS ang ARA at sinabing hindi na daw niya pinagkakatiwalaan ang News Service. Naroon rin sa naturang press conference si Acor kung saan nagbigay punto siya sa isyu. Ayon kay PEDOS, hindi na daw niya pagkakatiwalaan ang ARA dahil sa pagbigay daw  ni Reddie kay Acor ng isang OTR na impormasyon na kabilang sa Secret Statements. Pinabulaanan naman ng ARA na may inabot nga silang ganung impormasyon at kung mayroon man, hindi ito sapat para malaman ni Acor ang kabuuan ng Secret Statements. Ayon naman kay Acor, mukhang may sinabi nga itong si Reddie sa kaniya ngunit kung ano ito, wala pang nakakaalam.

ARA WIRE NEWS SERVICE, SIBAK DAW SA PRESS CORP NI PEDOS?

Dahil sa mga naganap, mukhang nangangambang sisibakin ang ARA Wire News Service mula sa Press Corp ni PEDOS! Naging dismayado si PEDOS sa nangyari at tila natutulad ito kay Ignacio Bunye. Wala pang nilalabas na statement si PEDOS sa kung anong aksyon ang gagawin niya ngunit malinaw na nawalan siya ng tiwala sa ARA.Inaasahan ng marami na maayos na ang gusot na ito upang maayos na maihatid ang mga balita.

Reddie, GWTW. Eksklusibo ni PEDOS, naantala!

Mukhang na-GWTW o Gone With The Wind kanina si Reddie sa press conference. Nanatiling bakante ang upuan ng isa sa mga miyembro ng ARA sa buong sesyon kanina. Kaya't sa nais na makuha ng POP! News and Public Affairs ang eksklusibo kay PEDOS, hindi na ito natuloy dahil kinakailangan daw na naroon si Reddie sa naturang pagpupulong. Susubakan muli ng POP! Newsletter ang pagkuha sa eksklusibong panayam kay PEDOS.

Smaer Lully, hindi tatakbo sa 2008!

Kinumpirma na ni Smaer Lully na hindi nga siya tatakbo sa 2008 elections. Ito ang kaniyang sinabi kanina sa Escaler Hall nang kasama siya sa mga inimbita sa isang Plenaryo para sa Kalikasan. Pinabulaanan naman niya na tatakbo si Konrado Q. bilang pangulo sa 2008. Sa halip naman na tatakbo siya, inaasikaso na lamang niya&nbsp; ang itinatag niyang unang Wonderful Fun
Walk na gaganapin sa 2008 upang maghagilap ng pondo para sa (MSEQ-FART) o ang Microstarlet Super Environmental Quality Foundation for Associated Resource Treatment.

Piso, tumaas laban sa dolyar dahil sa bagong panukala!

Nagsara ang piso ngayon sa halagang 52.28 dahil sa naaprubahan na rin sa wakas ang pagtataguyod ng Marijuana Tea and Gum Production dito sa Pilipinas. Ayon sa bagong panukalang RA 2656, maari nang magtatag ng mga plantasyon ng marijuana sa mga lugar ng Laguna, Pampanga, at Cavite. Upang patatagin pa ang bagong industriya ng marijuana, inimbita ni DENRZ Secretary Gigstarz Alvs sina Marfy Monickers at Dr. Mikiko Ramuza, ang makers ng Weed Tea and Gum, sa isang piging upang pag-uapan ang iba pang mga plano. Ayon naman sa Sikolohistang si Gng. Magners, tumaas ang piso sa dolyar dahil sa kabutihang maaring idulot ng weed na magpapa-"high" sa ekonomiya.

Chika Minute: PEDOS, IDOL RAW NI GIGSTARZ ALVS?

Sa press conference kanina sa Gonzaga Cafeteria, hindi naman puro naglalagablab na harapan ang naganap. Medyo sumaya naman ang mga tao nang nakipaglokohan pa itong si PEDOS kanina nang maikuwento niya na iniidolo daw siya ni DENRZ Secretary Gigstarz Alvs. Ayon kay PEDOS, sabi ni Alvs sa kaniya na ang kaniyang ideal self ay si PEDOS dahil sa kaniyang friendliness. Samantala, kumakalat naman ang balitang may relasyon sila ni DENRZ Secretary Gigstarz Alvs. Matinding pinabulaanan ito ni PEDOS at isang mabuting pagkakaibigan lamang ang pakikitungo nila sa isa't-isa.


(18 comments | Leave a comment)

January 8th, 2006


03:18 pm - POP! Newsletter Vol. 3 Issue 1
POP! Newsletter ANG BAGONG MUKHA NG PAGBABALITA SA INTERNET!

ARA WIRE NEWS SERVICE, NAKIPAGSABUGAN KAY ACOR AT MAER!
SECRET STATEMENTS NI PEDOS, SIKRETO PA RIN!


Isang matinding sabugan ang naganap sa Gateway Food Court noong Biyernes sa gitna ng kampong ARA Wire News Service at ni Ms. Acor at microstarlet na si Smaer Lully! May nalalaman kasi ang ARA News Service tungkol sa isang isyu tungkol kay Ms. Acor at kay PEDOS at nais itong mapiga ni Ms. Acor sa kanila. Ngunit napagkasunduan ata ng ARA at ni PEDOS ang hindi pagbulgar ng mga isyung binabalita ni PEDOS sa ARA. Ayon kay Reddie, kinakailangan ang pagsubscribe sa kanilang news service para malaman ito ni Ms. Acor. Nagmungkahi naman ang ARA na kumanta muna si Acor tungkol sa mga naganap noong Disyembre 28, 2005 papunta sa debut ni Smaer Lully. Pumayag ang kampo ni Acor at si Smaer Lully ang nagkuwento. Ngunit kahit nasabi na nila ang kanilang istorya, hindi na muli ito nasundan ng pagbubulgar ng ARA sa sinasabing Secret Statements ni PEDOS.

PEDOS, TIKOM PA RIN ANG BIBIG!

Hindi pa rin nagsasalita sa mga tao si PEDOS kahit pinalilibutan na siya ng mga kontrobersiya tungkol sa naganap noong Disyembre 28. Maraming tanong ng taong bayan ang hindi pa nasasagot! Bagama't nagsalita na si Acor tungkol sa isyu, nais malaman ng maraming tao kung ano ang sasabihin ni Pedos. Sa ngayon, hawak lamang ng ARA ang impormasyon tungkol sa mga Secret Statements ni PEDOS at hindi pa handang ilantad sa masa. Ayon sa opposition icon na si Smaer Lully, wala namang dapat itago si PEDOS. Kailangan niyang harapin ang masa at liwanagin ang isyu.

Smaer Lully, tatakbo sa 2008 elections?!

Kumalat ang balita, matapos ang pagsalita ni Smaer Lully sa Gateway Food Court, na may balak siyang tumakbo bilang senador sa opposition block sa 2008! Ayon sa ilang sources, ang naganap na handaan sa kaniyang probinsya sa Iriga (kung saan naimbitahan si PEDOS at si Acor) ay panimula ng kaniyang pangangampanya sa 2008. Kumalat rin ang balita na sa tarpaulin na nakapaskil sa party niya ay may sinasabing "Takbo sa 2008!" Pinabulaanan ni Smaer Lully ang ganitong mga paratang at ang naganap na handaan ay tila isang debut lamang. Nananatiling tahimik pa rin naman ang bf nitong action star na si Khonrado Q. kung tatakbo ito sa 2008 bilang pangulo.

Pedos, may wiretapped tapes din daw?!

Isa na namang tsismis na kumakalat ngayon ay ang pagkakaroon daw ng wiretapped tapes ni PEDOS sa kaniyang Secret Statements na sinabi sa ARA Wire News Service. Hindi pa masabi kung talaga ngang may wiretapped tapes.
 
Weed Tea at Weed Gum, balak nang simulan!

May balak nang simulan ni Mr. Mikiko Ramuza at Sabaw Diva Marfy Monickers ang pagmanufacture ng bagong klaseng tea at gum. Ang pinagbabawal na weed o juts o marijuana, ay maaari nang gawing legal ayon kay Dr. Ramuza sa pamamagitan ng pagkuha ng katas nito upang gawing tsaa at gum. Tinitignan pa ng magkasosyo kung magkiklick ito sa Japan. Samantala, binubuo na ang plano para sa pagtatatag ng pagawaan ng weed dito sa Maynila. 

Chika Minute: AUSTEIN, NASA MANO PO 4?!

Mga kapuso, ayon sa mga sources, si Austein Alcantara raw ay nasa pelikulang Mano Po 4! Ako Legal Wife. Isa siya sa mga extras ng pelikula kung saan tinampukan sina Zsa Zsa Padilla, Cherrie Pie Picache, Rufa Mae Quinto, at Jay Manalo! Makikita ang kaniyang pangalan sa rolling credits ng pelikula. Isang mahusay na achievement!

Chika Minute: MIKAYLA SHALALA, NAPUTUKAN...NABUNTIS RAW?!

Kumalat ang tsismis na nabuntis raw si Mikayla Shalala matapos raw masabugan ng paputok. Ngunit pinabulaanan ng binatilya na hindi siya naputukan ng paputok kaya hindi siya pwedeng mabuntis! Samantala, may bago siyang proyektong dapat abangan ng mga tagapakinig sa AM radyo! Kakatapos lang niya magrecord ng OBB ng pinakabagong magazine show na dapat abangan! Ito ang The Bash na ihohost nina Wiggy G., ang Sabaw Diva na si Marfy Monickers, at Direk Ayo S.      

(6 comments | Leave a comment)

> previous 10 entries
> Go to Top
LiveJournal.com